Gallery

Mas Masarap pa sa Bawal

Pinapatulan nila ang kasabawan mo at tinatawanan ang mga banat mong walang namang kwenta.

Pinag-titripan ka nila hanggang sa mapikon ka at hindi ka nila huhusgahan sa kakayahan mong lagyan ng bahid ng malisya ang lahat ng bagay.

Mag-popost sila ng itinatakwil mong litrato nung bata ka (na manggagaling pa sa account ng Nanay mo, putangina talaga) sa wall mo sa Facebook.

Gagawan ka nila ng sarili mong hashtag at gagamitin nila itong palusot sa sarili nilang kalokohan.

Papadalhan ka nila ng sandamakmak na litrato ng taong hindi mo naman talaga pinagnanasahan pero nililink lang sa’yo ng walang basehan. Sa sobrang dami nun, makakagawa ka ng isa pang bukod na album.

Tapos may caption pang “Yubokmee, I bok you. #SexyKulot”

Palalabasin kayo sa lib dahil sa malakas na hagikgikan. Mauulit ito, pero parehas pa rin ng kalalabasan.

Susubukan nilang ipaliwanag ang makabagong istilo ng arkitekturang tinatawag na “dog style.”

Ikakahiya ka nila kasi hindi mo sinasadyang magsabog ng toothpick sa isang kilalang kainan ng siomai. Tatawa kayo nang parang walang bukas at ibabalik ang toothpick sa lalagyanan. Patatawarin ka nila dahil sa araw namang yun ay wala ka ni isang kurap ng tulog.

Makakapag-aasal kalye kayo kahit saan dahil kapag kasama mo sila, wala kayong pakialam sa iisipin ng iba.

Para kayong mga batang maghahabulan. Lagi itong mauuwi sa paghiga sa makating damo sa ilalim ng isang malaking puno habang parehas kayong humahangos, tumatawa at naghahatawan. Wala kang magagawa kasi nung nakilala mo siya, para kang pumirma sa isang kontratang nagsasaad na ayos lang sa inyo ang magkapisikalan.

Kasabay mo silang mambabackstab ng prof na kinamumuhian ninyo at magpapahiram ng notes kahit na sinabihan ng prof na hindi pwede yun.

Sasabihan ka ng “huwag kang mataranta, kaya natin ‘to” kapag may ginagawa kayong katarantaduhan.

Kapag humirit ka ng “matitiis mo ba ako,” agad nilang isasagot ang “aba, oo naman” kasabay ang malakas na tawanan.

Sasamahan ka nila sa mga ‘zones’ ng iyong buhay. Sasaya ang tropa-zone at next-time zone dahil sa kanila.

Makikinig sa mga problema mo kahit marami rin silang inaatupag. Magagalit sila sa angkin mong katangahan pero sa huli ay irerespeto pa rin nila ang mga desisyon mo sa buhay.

Magmumurahan kayo at magmamahalan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s