Obligasyon

Hindi ako naniniwalang obligadong tayong pigilan ang sarili natin para protektahan ang nararamdaman ng iba.

Ang lupit pakinggan, parang nanggaling sa isang taong walang pakiramdam at hindi man lamang nakaranas ng kahit anong klase ng pagmamahal. Ang pangit pakinggan, parang walang iniintindi ang taong yun kundi ang sarili niya. Ang sagwa pakinggan, parang ang sama sama tuloy ng dating ng sangkatauhan. Pero, kailan ba naging kanais-nais ang realidad?

Sa kabilang banda, nandun na rin yung kagandahan ng pagkamakasarili ng paniniwalang ito. Ibig sabihin lamang nito, kapag isinaalang-alang na natin ang mararamdaman ng ibang tao, hindi ito dahil sa napilitan lamang tayo. Hindi ito dulot ng obligasyon nating makipagkapwa. Ito ay dala na ng kagustuhan nating maging masaya ang mga mahal natin sa buhay.

Pero sino ba tayo para pangunahan ang iba sa kung ano ang ikakaligaya nila o hindi? Bakit ba likas sa atin ang gustuhing kontrolin ang mga bagay na hindi naman natin kayang hawakan?

At higit sa lahat, bakit nagsusulat ako imbis na simulan ang plate namin sa Construction?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s