maARTe

Naglalakad kami ni Donna papunta sa sakayan ng jeep ng Katipunan. Freshie pa lang kami nun at nakasalubong namin si Ate Issay na pa-graduate na ata. Kumaway ako at medyo napamura sa isip ko. Nakalimutan kong hindi nga pala niya ako kilala sa personal.

Sikat si Ate Issay nung high school. Paano ba naman, ang lakas ng dating niya, mabait at talentado. Ang ganda niyang babae at makisig kung sakaling naging lalaki. Basta, maniwala kayo kapag sinabi kong marami siyang napapakilig kapag dumadaan siya sa mga classroom naming mga undergrads.

Kapatid niya si Raha. Akala ko nun papasa siya sa TDT. Imba kasi talaga ang art skillz niya.

Naalala ko rin nung unang beses kong pumunta sa Marist Fair kasama ang mga ka-service ko. Napagtripan kami ng mga nasa jail booth at bigla na lang kaming kinulong sa may track oval. Dumating nun si Raha at ininterview kami kung anong nararamdaman namin.

Ang babaw pero medyo na-starstruck talaga ako sa kanya nun. Alam mo yung pakiramdam na nakikinita mo na malayo ang mararating niya sa buhay dahil magaling siya. Yung tipong masasabi mo na lang sa mga kasama mo kapag lumabas siya sa TV na, “uy, may isang punto sa buhay ko na nakadaupang-palad ko siya.”

Humahanga akong lubos kay Raha. Hindi niya tinalikuran ang pangarap niyang pumasok sa UP kahit na sa unang beses ay itinakwil siya nito. Nasa UP na pala siya ngayon at solid pa rin ang passion para sa sining.

*****

Sa totoo lang, naiinggit ako sa kanila.

Pero hindi yung klaseng inggit na mapag-imbot, yung tipong raaawr gusto ko sirain ang buhay nila para di na ako maging miserable blah blah blah. Hindi rin yung talento nila ang kinaiingitan ko. Naiingit ako sa kanila kasi hindi pa ako nakararanas na maging kasing passionate nila sa ginagawa ko.

Gusto kong balikan yung panahong nangangarap pa lang akong makapasok sa UP. Gusto kong balikan yung panahong kakalabas pa lang ng results ng UPCAT. Dahil nung mga panahong yun, buhay na buhay pa ang pangarap ko. Dahil nung mga panahong yun, buhay na buhay pa ako.

 *****

Tatlong taon na rin ang nakalipas. Hindi ko na nga matandaan kung anong eksaktong tinanong ko noon kay Ate Issay nung ininterview ko siya, pero sinubukan kong bumuo ng tanong base sa mga sagot niya.

BB: Musta ang acads?
IR: Ok naman sa acads. sa major subjects, I’m getting bored–it has beeen a week now and our profs are still in vacation mode. Sa GE subjects, well I got the easy ones kasi I thought this sem would be hard kasi mini thesis. Ayun nagstart na ang mga GE. I’m trying to start the sem right kasi gusto ko ok sana yung GWA ko this sem para umabot ako ng magna.

BB: May ‘social life’ ka pa ba?
IR: Interpersonal relationships well. I got too much of it last sem na I got myself in trouble na. Now I’m trying to stay away from “happy hours”–i want to save my organs AND I want to stay outta trouble. I also try to spend my precious time helping my sister out sa orphanage. It gives me the same bliss naman when I’m with my friends and blockmates so why go partying? (May bago pa ko friends.)

BB: Musta ang buhay sa UP?
IR: School’s culture, actually nagsasawa na ko dito. Haha! Specifically FA culture. You know, college kids here are sort of wild and I’m tired of the pa-artist culture nila dito. I believe na it’s ok to fool around once in a while pero I dont wanto live out the culture here all my life. I was used to St. Scho’s values and routines and I can’t take the slacker’s attitude here. (Am I beginning to sound cynic? Haha.) Isa pa. Karamihan ng mga tao dito agnostic/(pa)agnostic/no God/adventists/scientologist/lahat na! So sometimes when I speak about my work na minsan tungkol sa religion ko, I can;t seem to reach them kasi iba yung sensibilities nila compared sa Roman Catholics.

BB: Anong extra curricular activities mo?
IR: Well, I’m busy finishing paintings for the art fair this 27th of the month here in FA. I’m really looking forward to Christmas lantern parade on december. Punta ka!

Naglalakad kami ni Donna papunta sa sakayan ng jeep ng Katipunan nang makasalubong namin si Ate Issay. Kumaway ako at nagulat nang ngumiti siya pabalik.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s