Threesome

Hindi naman kami nagmakaawa kay Sir. Wala rin namang pananakot na naganap. At mas lalong di namin ginustong magkasakit siya. Pero sa totoo lang, pangatlong beses nang naeextend yung deadline ng plate namin sa Design.

Okay lang naman na paminsan – minsan, binibigyan ka nang pagkakataong ayusin yung mga parteng hindi mo nagawa nang tama sa kakamadali. Parang binibigyan ka rin kasi nila ng pagkakataong huminga, maging normal na tao at ipagpatuloy kung ano ang nasimulan mo. Kaso nga lang, sa pangalawa at pangatlong pagkakataon, parang nagsisilbi na rin siyang parusa.

Nakakarindi rin yung bibigyan ka nang mas maraming panahon, yung mas marami pa sa kailangan mo. Kadalasan kasi, ang nagagawa mo lang ay makita kung ano sa aspeto na dinesenyo mo ang mali o di kaya ay kung saan ka pa pwedeng magdadagdag ng detalye. Minsan nga, umaabot pa sa puntong gusto mong ulitin lahat nang ginawa mo kasi para kang nagkaroon ng kapangyarihang ‘di makamundo nung naextend ang deadline ninyo.

Pangatlong beses na. Pangatlong beses nang akala mong tapos na, pero ‘fuck you’ raw kamo kasi hindi pa talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s