Ang Gusto ko lang sa Buhay ay…

Nung nag – pseudo overnight kami ng Design group mates ko kina Danna, tinanong ako ng nanay niya kung bakit hindi ako pwedeng umabot hanggang umaga. Gaya nang madalas na nangyayari, nagtawanan lang sila pagkatapos kong sabihing “strict ang parents ko.”

Sa totoo lang, madali namang magpaalam ng lakad sa parents ko basta ba ang lakad na yun ay:

  1. Academic – related
  2. Hindi pang – org

Hindi nga problema sa akin na hinihingan ako ng pangalan ng mga kasama ko, contact number, address at landmark kapag pumunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko. Likas lang talaga akong nahihirapang magpaalam kapag ang lakad ko ay:

  1. Hindi academic – related
  2. Pang – org

Pero nakapunta na ako sa UP Fair na garantisadong hindi isang academic – related activity, pagkatapos pa ng event ng Kustura na jeUPardy kung saan kasali kami ni Anna.

Wala rin kasi kaming Arch 5 nun. Naaalala ko pang ginagawan namin si Sir Padre ng kwento na kaya hindi nagkaklase tuwing Valentine’s Day ay dahil magdedate sila ng wifey niya. Well, wala namang masama dun; ang cute pa nga e.

Ang hindi ko lang matandaan ay kung bakit hayok na hayok akong mag UP Fair dati kahit hindi naman ako mahilig sa underground at indie music.

This year sana, gusto ko sanang maging legal yung lakad ko. Kaya nga ni research ko pa ang:

Tips para Makasama sa Lakad ng Barkada

  • Maghugas ng pinggan.
  • Ipasok ang tuyong sinampay.
  • Mag – mop ng sahig.
  • Pakainin ang aso (kaso fuck, wala kaming aso)
  • Linisin ang kwarto.
  • Maligo, magbihis at sabihing MA/PA “alis muna ako. Sasama ako sa kaibigan ko at magwawala kami sa UP Fair. Umaga na ako makakauwi.”
  • Siguraduhin bago sabihin ang nasa itaas na tips, meron kang pera. Dahil wala naman manlilibre sayo at nagpapaalam ka lang.
  • At kapag hindi ka pa rin pinayagan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa gawaing bahay, sabihin mo sa kanila na:
Hotdog ni Aljur

(c) matabangutak.tumblr.com

Ang dami kong bull shit. Pero nakaugalian ko na talagang sa halip na kalimutan ang mga di kanais – nais na bagay at tinatabunan ko na lang ito ng mas magagandang alaala.

“Ang gusto ko lang sa buhay ay mag UP Fair kasama siya. Bahala na.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s