Si Kuya Emman

May problema pala si Kuya Emman.

Itatanong ko sana kung paano namin malalaman kung hindi naman siya nagsasabi. Pero bakit nga naman siya magsasabi sa amin kung isa kami sa mga nagpapabigat ng problema niya? Dapat pa nga kaming magpasalamat kasi nagsabi si Kat kasi sa totoo lang, akala ko okay lang ang lahat.

Ewan. Masyado siguro akong nasanay sa mga taong nakapaligid sa akin na bukas magpahayag ng saloobin nila. Nakalimutan ko nang maging sensitibo sa mga emosyong pilit tinatago ng iba. Yung mga tao pa namang hindi humihingi ng tulong ang tunay na nangangailangan nito. Napagtanto ko ring napakababaw pala ng nararamdaman ko. Marami pang mas importanteng bagay sa mundo at kakitiran ng utak ang isiping pag – ibig lamang ang nagpapaikot dito.

Sana hindi tumigil sa pagtuturo si Kuya Emman. Pero sa ngayon, wala akong ibang magawa kundi tapusin ang Construction plate namin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s