Status

Sanayan

Sinunod ko na naman ang isa sa mga payo ni Maam MLV nung naging propesor ko siya sa Arch 57. Sabi niya dati, kapag nagsisimula pa lang, magandang humanap ng trabaho sa mga maliit na kumpanya dahil natututukan ang bawat galaw mo sa isang proyekto. Kahit isang linggo pa lang ako sa pinagtratrabahuhan ko, napatunayan ko na agad na totoo ito.

Sa katunayan, kakauwi ko lang galing sa site visit. Wala nga akong ibang maisip kundi yung tuwang nararamdaman ko dahil napagtanto kong tama ako ng desisyon sa pinili kong kurso. Naisip ko na ayos lang sa akin kung sakaling katulad ng linggong ito ang magiging panghabambuhay kong kapalaran.

Ayos lang sa akin na mag-disensyo ng kung anu-anong espasyo. Ayos lang sa akin na paikutin ang mundo ko sa makulay na larangan ng arkitektura. Ayos lang sa akin na magpuyat para sa isang proyekto. Ayos lang sa akin na sumakit ang ulo dahil sa kakapiga ng mga ideya. Ayos lang sa akin na mataranta dahil sa ‘di makatarungang pangangailangan ng mga kliente at dahil sa papalapit na pasahan. Ayos lang sa akin na masanay maghintay at intayin upang may kasabay kapag kakain sa tanghalian. Ayos lang sa akin na ituring na parang nakatatandang kapatid lamang ang aking mga kasamahan sa trabaho.

Ayos lang sa akin ang ganitong takbo ng buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s